Tuesday, March 14, 2017

Sektor ng Agrikultura: Mga Suliranin

Sektor ng Agrikultura: Mga Suliranin

Maliban sa mga isyu na may katumbas na reporma sa lupa, mayroon mga suliraning direktang inaapektuhan mismo ang ating kapaligiran. May ilan namang may kinalaman pa rin sa pamahalaan.

1.) Pagkaubos ng Kagubatan

-Ang ibang tawag dito ay deforestation. Ito ang malawakang pagpuputol ng puno. Ang dahilan nito ang pang-aabuso sa mga resources o pagpapatayo ng mga gusali, paktorya, atbp.

Solusyon?

-Limitahin ang deforestation ay kontrolin o magimplementa ng batas na pipigil sa gawaing ito.
-Sa bawat puno na mapuputol, mas mainam kung papalitan ito ng 10 tinanim na punla.


Benepisyo ng Solusyon?

-Mababawasan ang pagbaha.
-Magkakaroon ng karagdagang resources mula sa paggugubat.
-Magkakaroon ng tirahan ang mga hayop.


2.) Erosyon ng Lupa

- Ito ang pagguho ng lupa. Ang kalamidad na matatamo dito ay ang landslide.

Solusyon?

-Magtanim ng mga puno upang manatili ang lupa sa kinalalagyan.
-Iwasan ang ilegal at hindi ligtas sa kapaligiran na pagmimina.

Benepisyo?

-Maiiwasan ang landslide.
-Makapagtatanim ng maayos ang mga magsasaka.


3.) Polusyon

-Ito ang pag-contaminate ng lupa, tubig at hangin sa pamamagitan ng paglalabas ng mga nakakalasong kemikal. Dahil dito, nalilimitahan ang pinagkukuhanan ng resources. Naaapektuhan din ang kalusugan 'di lang natin kundi sa mga hayop na rin.

Solusyon?

-Mag-implementa ng Proper Waste Disposal.
-Magpatupad ng mga batas na maglilimita at kokontrol sa pagtapon ng mga kemikal.
-Gumawa ng mga proyekto o programang layuning linisin ang kapaligirang may Solusyon.

Benepisyo?

-Walang problema sa kalusugan.
-Makakakuha ng mga resources sa naisalba na lupa at tubig.
-Ligtas ang mga hayop mula sa mga kemikal.


4.) Global Warming

-Ito ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng kabuuang temperature ng mundo. Nagdudulot ito ng pabago-bagong klima, mga kalamidad, El Niño at La Niña, pagtaas ng level ng dagat, atbp.

Solusyon?

-Resolbahin ang polusyon.
-Bawasan ang paggamit ng mga kagamitang naglalabas ng greenhouse gases (e.g: hairspray, airconditioner.)
-Mag-carpool upang mabawasan ang paglabas ng masyadong maraming usok/ carbon.

Benepisyo?

-Maiiwasan ang madalas na kalamidad.
-Hindi maaabala ang mga proseso sa Sektor ng Agrikultura.
-Mapapaunlad ang kalidad ng buhay kapag maayos at malinis ang kapaligiran.


5.) Kakulangan sa Implementasyon ng mga Programang Pansakahan

-Ibigsabihin nito ay hindi naipapatupad ng pamahalaan ang mga programming kinakailangan sa Sektor ng Agrikultura. Mas napagtutuunan ng pansin ang Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod. Kadalasan, ang Sektor ng Agrikultura ay ang may pinakaliit na kontribusyon sa kita ng bansa.

Solusyon?

-Kumbinsihin ang pamahalaan na bigyang pansin ang Sektor ng Agrikultura ay matugunan ang pangangailan nito.
-Suportahan o makilahok sa mga organisayong makakatulong sa agrikultura.
-Iboto ang karapat-dapat na kandidato na tiyak na Bibi than gap and in ang Sektor ng Agrikultura.

Benepisyo?

-Uunlad at kikita ang mga magsasaka.
-Makakapagbigay ng malaking kontribusyon ang Sektor ng Agrikultura sa kita ng bansa.
-Matutugunan ang mga pangangailangan ng tao bilang pagkain, kagamitan, medisina atbp.
-Napapandar ang Sektor ng Industriya at Paglilingkod.

No comments:

Post a Comment