Tuesday, March 14, 2017

Sektor ng Ekonomiya

Sektor ng Ekonomiya

Ano ang pumapaloob dito?

Sa sektor na ito matatagpuan ang 3 iba't-ibang sektors na ang nagpapaikot ng daloy ng ating Ekonomiya. Ang mga ito ay ang:

Sektor ng Agrikultura

Kung saan lahat ng gawaing agrikultural gaya ng pagpaparami ng hayop at halaman ay nasasangkot. Nawat gawain na ito ay nakatutulong sa pamumuhay ng mga tao at ng bansa.

Sektor ng Industriya

Kung saan naipapakita ang industriyalisasyon na ang ibig sabihin ay kalagayan ng isang ekonomiya kung saan ito ay may kapasidad at kakayahan na makalikha ng maraming produkto at serbisyo mula sa mga materyales na manggagaling sa Sektor ng Agrikultura.

Sektor ng Paglilingkod

Kung saan naibibigay ang iba't-ibang serbisyo sa mga negosyo at mga konsyumer nito. Dito napapaunlad ang kakayahan ng tao na makalikha ng produkto at serbisyo na mapapakinabangan ng tao.


No comments:

Post a Comment